m my name is.. my name is.. emanon: March 2005

Thursday, March 31, 2005

lunes...

-spongecola-
---
Dahan dahang lumalamig
unti-unting dumidilim
Sa saliw ng yong pagtingin
ang oras ay
-
bumibilis
kumakaripas
naghihintay na lang
kasama ng ulan
-
at ayokong magising
sa umagang nangaakit mabuksan
naninimdim
di alam
walang patutunguhan
-
di mapigilan ang pagngiti
paglaya mo’y minimithi
nagyayaya nang makisayaw
ang himig ay
-
nangaaliw
isang pagdiriwang
sa ilalim ng bituin
sa liwanag ng buwan
-
at ayokong magising
sa umagang nangaakit mabuksan
naninimdim
di alam
walang patutunguhan
-
ayoko na
hindi sinasadya
hindi ko sinasadya
====
isa sa paborito kong kanta ng spongecola bukod sa KLSP at Jeepney.

..in-som-ya..

anong oras na ba?
alas tres na ng madaling araw,
oh bakit gising ka pa?
tanong ko den sa sarili ko yan.
--
matulog ka na!
eh kahit nga anong gawin kong pikit walang epek,
anong bang nangyayari sayo?
aba malay ko, tanong ko den sa sarili ko.
--
insomya na nga ata tawag dito,
araw-araw nalang akong ganito.
lahat na ata na hokus pokus nagamit ko,
antok ay sadyang talagang kay damot.
--
pag-inom ng gatas,bago matulog walang epek.
pagnood sa tv hindi pa den ubra,
sana may natitira pang mahika
upang insomya ay mawala na.

Tuesday, March 29, 2005

big cup of iced tea...

big cup of iced tea while working.. grabe ang init sobra (grabe na sobra pa), walang aircon dito sa opis. pano daw kasi ang aircon schedule lang ay 8am-5pm. Kaya eto sa sobrang init nakakailang big cup of iced tea na ako. buti na lang may dala ang opismate ko na isang malaking pack ng nestea.

ang hirap mag work sa mainit na paligid.. kulang nalang magtanggal ng t-shirt. eto nga at nakatanggal ang sapatos at medyas ko. sana maawa naman ung admin namin na ipagawa na tong separate aircon. naawa na kasi ako sa mga servers nag t-tyaga den sa electric fan.

salamat na lang sa big cup of iced tea at mag su-survive ako dito.. hehehe..

easter FUNday!!

fun fun fun fun..


sayang hindi ako makakapag post ng pics dito.. sa bahay nalang. oh well, easter sunday was full of fun.. hehehe may three little pigs??? little??? hmmm and halos lahat na ata calling my full name... si potpot kasi ... pero ok lang hehe...

masarap mag ihaw sa gitna ng dagat and uminom sa gitna ng dagat. at mamasyal sa gitna ng dagat sakay sa hmmm ano ba tawag don potpot?

basta that easter sunday ay hindi ko makakalimutan, like "tinay said, parang ang saya mo ngayon en... epekto ba ng emperador" well actually hindi ako lasing hindi kasi nakakalasing pag uminom ka tapos magbabad ka sa dagat.. basta ang saya ko that time.. superb....

just my ten cents


Thursday, March 24, 2005

im bored...

im bored...
8 hours duty sa work..
walang ginagawa.. maagang natapos mga gawain..anong oras na ba? 7PM .. 3 hours nalang. nakakapagod umupo ng walang ginagawa. nakakapagod magpaikot-ikot dito sa opis na sobrang init dahil patay ang aircon.

im super bored..
sana may TV.. may radyo nga ang papanget naman ng station.. tyaga nalang sa ano bang istasyon to? "kailangan pa bang i-memorize yan" koo-kooo-rooo-koooo-koooo...
habang umiinom ng coke.. may chiz curls.. haay wala pa den buhay.. kakatamad..

gusto ko magbakasyon....

towts

Have you ever met a woman
That inspires you to love
Until your senses all feel with her?
You inhale her,
You taste her,
You see your unborn children in her eyes,
And you know that your heart
Has at last find the home.
Your life begins with her,
And without her it surely comes to an end...
---Movie "Don Juan DeMarco
==================================
Oh she's nice,
she's kind,
Innocent too.
She's probably pretty
The right one for you
So Just forget me:
I'm only a friend
Though I'll be with
You Until the end

hwebes santo...

hwebes santo na ba?
hindi ko ramdam,
bakit nga ba? eh kasi holy week pasok pa.
sarap sana matulog at manood ng DVD maghapon
habang si ina'y ginataan ang hinahain.
mayang gabi bisita iglesia na
parang hindi na naman ako makakasama
bakit nga ba? eh kasi holy week pasok pa.
sarap sana magpunta sa iba ibang simbahan
para sa pagnilay-nilay ng mga kasalanan.
no more cents..

Tuesday, March 22, 2005

semana santa

holy tuesday na... yung ibang empleyado naka leave na sa work. umuuwi na papuntang probinsya para mag bakasyon.. haay naku buti pa sila may bakasyon. samantalang ako work sa buong semana santa. ay may pahinga pala ako sabado lang tapos work uli. kainggit naman kayo. pasalubong nalang galing sa mga pupuntahan nyo.

gusto ko pa naman sana mag bisita iglesia. pero pano nasa trabaho ako. gusto ko magpahinga pero pano may work ako.. hindi naman pede mag leave haaay ganito talaga buhay. buti nalang double pay... hehe yun lang maganda don.. magdadasal nalang ako.

ngayon lang atang semana santa nangyari na wala akong bakasyon.. susme na miss ko tuloy holyweek vacation ko last 2003.

sige mag-ingat nalang kayo sa bakasyon nyo.



Sunday, March 20, 2005

tong kantang to...

male version:
Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one
I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, is that
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you
Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we need no words at all
Slowly now we begin to move
Every breath I'm deeper into you
Soon we two are standing still in time
If you read my mind, you'll see
It's all brand new, I'm crazy for you
And you know it's true
I'm crazy, crazy for you
para sa akin OKs na OKs ang male version... kasama na to sa listahan.. hehehe

pacman....

congrats to manny 'pacman' pacquiao

... ano nga ba score.. 113-115 hmmm at least hindi malayo di ba.. sana lang hindi tayo nadaya. maraming haka-haka... maraming bintang.. .. pero sayang hindi ko napanood ang laban.. hindi ko tuloy nakita kung pano lumaban si 'pacman' hmmm haay kasi tong office na to eh sagabal eh.. hehehe ..

habang pinapanood ko ang supporting fight morel vs. hmm sino nga ba yung nanalo? anyway, pinakita si pacquiao papasok sa MGM. masigasig.. may tapang.. at mukhang palaban.. suot ang jacket na may kulay pula puti and asul.. teka wala akong napansin na dilaw. bansa binabalot sya sa panahon na ung ng buong pilipinas. sumusuporta kay 'pacman' . (eto lang napanood kong laban... tsk tsk tsk)

pero bigla nalang nakatanggap ng text ang katabi ko.. talo na daw si 'pacman'.. biglang nakaramdam ng lungkot. talo na ang taong magbibigay ng muling saya at pag-asa sa buong pilipinas. pero hindi ako naniwala agad. bagama't wala ng gana sa laban gusto kong sabihin sa sarili ko hindi totoo ang balita. pero may dumating na may dalang balita, talo na si 'pacman'. putek hindi pa nagsisimula ang laban na palabas sa pinas talo na agad. ibang klase.. ayaw kong pumasok sana para mapanood ang laban. pero nakakatakot panoorin kung pano natalo si 'pacman'. makikibalita na lang ako..ayaw ko na panoorin ang replay. ayaw ko na makita ang hitsura ng ating bayani pagkatapos ng laban.


PACMAN.. wake up call.

sana maisip ng mga nasa gobyerno.. na meron tayong kababayan na nagpapakahirap sa ibang bansa para iangat ang ating sariling bayan, lumaban hanggang sa huli. para mabigyan tayo ng tunay na kaligayahan at karangalan. sana maisip ng mga nasa goberynong opisyal na magpakahirap din sila para maiangat ang ating bayan hindi puro salita lang.


just my ten cents



'sang madilim na sulok

naranasanan mo na bang lumuha ng wala sa oras? yung tipong habang nasa maliit ka ng kwarto mo nag iisip ka at bigla ka nalang napaluha. hindi mo nga maintindihan kung bakit ka napaluha bigla??? bakit nga ba? hmmm teka ano nga ba iniisip ko nu'n...aaah teka kelangan ko bang sabihin pa wag nalang nakakahiya.. basta naisip ko nalang nun madaming bagay ang gusto kong gawin pero madaming bagay den ang nagpapapigil kung bakit nde ko magawa... bakit nga ba ako nagpapapigi... hmmm marahil wala akong magawa? marahil wala akong lakas ng loob... mahina nga ba loob ko? oo mahina loob ko pero hindi sa lahat ng aspeto ng buhay ko! basta isa lang yun sa mga naiisip ko pag nasa kwarto ko na madilim (ayaw ko kasi ng liwanag pag nasa loob ng kwarto).
oh ikaw naranasan mo na bang mapaluha? mapaluha ng hindi mo naman na napapaluha ka?


haay madrama na kung madrama .... eh bakit ba? blog ko toh! post ko gusto ko!! :)

just my ten cents

mga bata sa lansangan

actually last march 6,2005 pa to nangyari post ko lang uli.


pauwi na ako nun..galing ako sa bahay ni potpot... sakay sa jeep na byaheng monument galing lawton.. wala na kasing FX sa oras na yun. kaya sakay na lang ng jeep. siempre jeep nasakyan ko kaya todo alerto ako nagmamasid sa labas.. hanggang makarating na ako ng monumento. pagkababa ko ng jeep naglakad ako ng konte para lumapit sa maliwanag na gusali para mag abang pa ng isang jeep pauwi na ng bahay (last trip) :) habang nakatayo ako sa gusali na yun may napansin akong mga bata biruin mo alas dos na ng umaga gising pa sila... at buhay na buhay pa ang diwa.. naglalaro silang apat nag haharutan na walang pakialam sa oras , bigla ko tuloy naisip nung panahon na bata pa ako.. walang ibang iniisip laro kain tulog aral.. tipong nde ko naiisip kung ano buhay ko kinabukasan basta nakakain ako nakapaglaro ako at nakapag aral ako masaya na ako lalo na pag walang pasok kinabukasan, magpupuyat kakapanood ng TV.. masarap nga talaga maging bata. pero hindi naman pede bata ka palagi.. kaya hanggang dito nalang masaya na akong makakita ng bata na naglalaro dahil minsan ako den ay naging isang bata.
madrama na naman...



blog ko to walang pakialamanan .. hahaha

palaspas with bilog

woke up early to hear mass with bilog... accidentally with bilog.. super kulit sa simbahan. grabe may topak sobra pag kinarga mo nagwawala pag nilabas sa simbahan nagwawala pa den. grabe.. hindi naman kulot si bilog para maging topakin... pero nung matatapos na ang mass pumunta si bilog sa harap ng altar siempre kasama si paboritong tita ni bilog..natuwa sa mga palaspas..ayun panandalian natahimik sa pag-ngangawa.. natuwa ang batang bilog at natuwa den ang paboritong tita ni bilog...

haay bilog parang kailan lang wala kang toyo... pagumiiyak ka nun bigyan ka lang ng gatas at ilalagay ka sa duyan mo natatahimik ka.. ngayon hmmm ang bilis mong lumaki.. topakin ka na...

bilog magpagupit ka na.. bad hair day ka na naman eh..

bilog is learning this sign... L-)

t'was great time with bilog kahit nakakapagod..pero kailangan madami kang baon pang-uto sa kanya. hehehe.. peace tayo bilog..


L-)





Friday, March 18, 2005

happy weekend


happy weekend everyone!!

as if may nagbabasa nito... hehehehe everyone pa ako eh noh...


happy weekend!!



just my ten cents...

buhos na ulan...

sa t'wing umuulan iba aking nararamdaman..
naririnig ko ang patak ng ulan sa bubungan,
dulot nito'y kasiyahan

bakit nga ba sa pagbuhos ng ulan..
ligaya ang binibigay sakin..
di ba't ang ulan at tila isang kalungkutan.

pakiramdam ko kasi pag umuulan eto ay paghinto ng problema
pakiramdam ko nakakalimutan ko ang mga suliranin laging bumagabag sakin
pakiramdam ko kasi lahat ng tao ay napapatigil sa gawain nila pansamantala.
pakiramdam ko kasi tahimik ang paligid dahil wala masyadong tao naglakakad sa kalye.

kaya't sa pagbuhos ng ulan, ngiti aking nararamdaman.
na tila'y musika ang bawat pagpatak ng ulan sa bubungan.
sana wag ng tumigil pa.. pagkat hatid mo aking kaligayahan
kaligayahan na minsan kong makamtan..

..................

entowts...

Barkada

heto na ang mga officials ng barkada
kanya-kanyang kalokohan ang bawat bida
merong medyo praning meron din ang antukin
kumpleto sa rekado ang barkada namin
pinagtagpotagpo kami ng tadhana
kahit pinanggalingan namin ay iba iba
walang pakialam kung san mapadaan
basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan
basta nanjan ang bawat miyembro ng tropa
ang kalokohan ay di mawawala
hindi na dapat pinag iisipan pa
lahat tayo ay dapat magsaya
musmos palang magkakasama na kami
nagkasundo kahit iba't ibang ugali
ganyan lang talaga saming munting barkada
kasakasama mo sa hirap at ginhawa
magkasabay mula sa pagsikat ng araw
magkasama hanggang daigdig ay magunaw sa dami-dami ng aming napagdaanan
walang tatalo sa aming pinagsamahan
asan na kaya yung iba... kanya kanya na nga... pero mahirap kalimutan ang samahang nabuo. kung sakali makita mo ko naglalakad kalabitin mo lang ako.. miss ko na ikaw kaibigan ko.. kamusta na kaya si .. may asawa na pala halos silang lahat.. ilan na kaya ang manager sa barkada? ilan na kaya ang dakilang ama at ina...
ni minsan hindi ko kayo nakalimutan... dito lang ako mga parekoy... kaibigan nyo pa den..
kita kita sa darating na pagkakataon....
just my ten cents.

bulik hango sa isang uri ng manok na panlaban na habang nasasaktan nasusugatan lalong lumalaban at para lang ipanalo ang kanyang laban..'hindi na ata ako ganito ngayon..'

emanon binyag ko para sa sarili ko.. 'no name'

datu hango sa pangalan ng matalik kong kaibigan na pinsan ko.. na kung tawagin namin ay 'datus' tutal nasa probinsya kami parehas nun tinawag ko na ang sarili kong 'datu'.

em_en_ow_pi tawag sakin ng pamangkin ng bayaw ko... nice name naman eh.. em en ow pi daw ako nabinyagan ako ng bagong pangalan..

mga pangalang walang katuturan pero maraming alaalang iniwan...parang bakas na hindi ko makakalimutan isang magandang alaala man o panget.