pacman....
congrats to manny 'pacman' pacquiao
... ano nga ba score.. 113-115 hmmm at least hindi malayo di ba.. sana lang hindi tayo nadaya. maraming haka-haka... maraming bintang.. .. pero sayang hindi ko napanood ang laban.. hindi ko tuloy nakita kung pano lumaban si 'pacman' hmmm haay kasi tong office na to eh sagabal eh.. hehehe ..
habang pinapanood ko ang supporting fight morel vs. hmm sino nga ba yung nanalo? anyway, pinakita si pacquiao papasok sa MGM. masigasig.. may tapang.. at mukhang palaban.. suot ang jacket na may kulay pula puti and asul.. teka wala akong napansin na dilaw. bansa binabalot sya sa panahon na ung ng buong pilipinas. sumusuporta kay 'pacman' . (eto lang napanood kong laban... tsk tsk tsk)
pero bigla nalang nakatanggap ng text ang katabi ko.. talo na daw si 'pacman'.. biglang nakaramdam ng lungkot. talo na ang taong magbibigay ng muling saya at pag-asa sa buong pilipinas. pero hindi ako naniwala agad. bagama't wala ng gana sa laban gusto kong sabihin sa sarili ko hindi totoo ang balita. pero may dumating na may dalang balita, talo na si 'pacman'. putek hindi pa nagsisimula ang laban na palabas sa pinas talo na agad. ibang klase.. ayaw kong pumasok sana para mapanood ang laban. pero nakakatakot panoorin kung pano natalo si 'pacman'. makikibalita na lang ako..ayaw ko na panoorin ang replay. ayaw ko na makita ang hitsura ng ating bayani pagkatapos ng laban.
PACMAN.. wake up call.
sana maisip ng mga nasa gobyerno.. na meron tayong kababayan na nagpapakahirap sa ibang bansa para iangat ang ating sariling bayan, lumaban hanggang sa huli. para mabigyan tayo ng tunay na kaligayahan at karangalan. sana maisip ng mga nasa goberynong opisyal na magpakahirap din sila para maiangat ang ating bayan hindi puro salita lang.
just my ten cents
3 Comments:
>sob< >sob<
Napaka-makabayan mo Chum! :D nyahaha
chum! i'm here! ang tagal kong inabangan yung match... lech nakatulog ako. oh well... i heard it was a good fight. he fought 'til the end... efforts are appreciated and are not wasted. =)
~yongyong
www.bluepalito.blogspot.com
i agree potpot. keep the words flowing :)
Post a Comment
<< Home