m my name is.. my name is.. emanon: April 2005

Wednesday, April 27, 2005

mood for today

hopeless+unwell=???

Sunday, April 24, 2005

batang pistolero

bagong tricks ni bilog.. ingat kayo malakas mamaril to.. hehe dadating ang panahon at magiging sniper na to..

habang hinahantay namin ang tita nya.. naglalaro kami ni bilog sa salas ... gapang dito gapang doon.. na tipong basahan na ang damit..

sleng pa nga si bilog dahil ayaw nya ng 'bang....bang' at gusto nya 'beng... beng' gosh hehehe ... kaso nga lang may kadayaan etong si bilog pag ako binaril nya nagpapatay-patayan ako .. pero pag sya binabaril ko ubos na ata ang bala ko at hindi pa sya nagpapatay-patayan.. hehehe at tumatawa pa habang binabaril..

bilog pag laki mo laro tayo ng paintball.. hehehe


miss you bilog....

Monday, April 18, 2005

bilog tulog..



.....unan ko ang tita ko....

ang sayang panoorin ni bilog habang tulog.. kahit hirap na hirap na ang tita sige pa den no choice magigising kasi ang bilog pag nilipat .... haaay bilog sana lang talaga lumaki kang hindi pasaway.. sana may isip ka na para maisip mo kung gano ka kamahal ng mga nasa paligid mo...

Friday, April 15, 2005

weekend!!

happy weekend sa lahat....
ingat po

Tuesday, April 12, 2005

everything..

find me here
speak to me
i want to feel you
i need to hear you
you are the light
that is leading me
to the place where
i find peace again
you are the strength
that keeps me walking
you are the hope
that keeps me trusting
you are the life to my soul
you are my purpose
you are everything
and how can i
stand here with you
and not be moved by you
would you tell me
how could it be
any better than this
you calm the storms
you give me rest
you hold me in your hands
you won't let me fall
you still my heart
and you take my breath away
would you take me in
would you take me deeper now
'cause you're all i want
you are all i need
you are everything
everything

d.a.r.n.a.

pagsapit ng alas otso y medya
bukas na ng tv, kapuso channel muna
araw-araw inaabangan ang paglipad ni darna.

paborito ko na bigla
ang bagong gumaganap na darna,
kahit sya'y may pagkamalamya.

ding bigay mo lagi ang bato,
pagka't gusto lagin makita
si narda maging darna,

pagsambit ng darna,
mundo ko'y tumitigil muna
pinapanood ang pakikipag-away nya


itutuloy.....



Monday, April 11, 2005

Go Go GO

....cheering for New Jersey NETS...

...hoping for the PlayOffs...

..GO NETS!!!! ...GO KIDD...

sarili kong weekend: april 8-10

my rest days was awesome na naman...

friday- natulog maghapon, and pagdating ng hapon.. sundo ang potpot meeting place. nood dapat ng closer pero mas pinili namin manood ng darna... hehe ay ako lang pala nagsabi na wag na sine.. darna nalang kasi wala ng pera hehehe..nakakaadik ang darna lalo na pag naka-costume na si ding.. este si narda....nag stay kina potpot hanggang matapos ang stairway to heaven josko nahihilig sa telenovela... " langit ka lupa ako...." kahit alam na ang ending nood pa den ...

saturday- late na ng nagising. meet uli ang potpot with bilog sa SM paranaque naman, ang bilog a-attend ng 7th bday party.. at sya ang pinakabata. hehehe. and imagine si bilog nagkaroon na ng ka-tropa bigla.. member na sya ng grupo nila potpot.. at tinuturuan na manchicks.. naku masamang inpluwensya ata mga katropa ni bilog.. hehehe..


saturday ng gabi- bowling kasama mga bagong katropa ni bilog, pero nde na kasama si bilog kasi hindi daw sya pede magpuyat... ang eyebugs daw... at strict daw ang parents ni bilog kaya dapat hindi sya pede abutin ng super late...

sunday ng madaling araw- tambay sa bahay ni potpot, prior to that naghanap muna kami ng 1.5 coke hehe ang layo ng narating namin.. nakarating kami sa macapagal blvd. pero walang coke...tuloy ang kwento.. nanood ng vcd ( video na kuha ni ike sa batangas outing) ... galaw-gaw.. ang bading bading.. inabot ng 1AM ng sunday...

sunday ng hapon- ang potpot inabutan ko sa bahay nila at gumagawa ng hikaw..tumambay hanggang alas sais ng gabi.. tapos pumunta sa coastal mall(uniwide). tapos umuwi na uli sa bahay nila.




tapos.. tapos.. pasok na uli.. haaay katamad..
ang weekend ko kina potpot lang.. ang saya saya..

Thursday, April 07, 2005

Bata Batuta...


bata bata mula ng magkamuta..
ang daming natutuwa sa pagsilang mo,
pati nanay mo'y napapangiti kasi may kirot pa dahil sa sugat nya
tatay mo naman hindi mapakali.

subalit unti-unting napalitan ng lungkot
ang dating ngiting nadarama
puso mo daw ay may tatlong butas
blue baby ang tawag sayo.

pero mundo ay hindi tumigil,
isang buwan ka palang may schedule ka na
ang operating room ay naghihintay na
magulang mo'y nangangamba.

salamat naman operasyon mo'y tagumpay
pero after 2 years may kasunod pa daw.
masakit pa nito, binigyan ka ng taning
matagal na daw ang sampung taon buhay mo

pagkalipas ng 10 buwan
nagulat na lang ang karamihan
binawian ka na daw ng buhay
isang munting anghel ang nagpaalam.

Tuesday, April 05, 2005

road trip B-to-B

Dalawang B sa tag-init..

unang B 'Baguio'

sabado abril-dos

alas DOS ng madaling araw ako nakarating sa may Lacson avenue malapit sa Espanya Blvd para abangan ang mga makakasama ko papuntang baguio (potpot and family). habang wala pa sila nagkape muna ako sa burger machine.maya-maya lang dumating na sila byahe na papuntang baguio....

alas ocho ng umaga baguio na. nakahanap ng matutuluyan sa teacher's camp. derecho na sa mine's view.. kodakan dito kodakan doon.. bili dito halukay doon..
alas dose ng tanghali SM baguio.. after lunch sibat agad kasi naghahabol ng oras..
ala una y medya saulog bus byahe na papuntang manila... nanood ng eat bulaga.. natulog ...


alas singko bus stop sa tarlac sa terminal ng saulog-dagupan.. kumain... nag stretching..kodakan...tanong ko sa driver 'manong mga ilang oras pa tayo makakarating ng manila.. kaya ba ng dalawang oras?' sambit ni manong 'hindi eh mga tatlong oras pa makakarating na tayo ng pasay.' (ang bagal kasi mag drive eh hehehe)

alas singko y medya byahe uli..umidlip... nanood ng wag kukurap.. nanood ng pinoy pop... hmm pansin ko lang kapuso ung driver at konduktor.
alas ocho ng gabi nakarating na sa EGI mall Buendia para kitain ang mga kasama papuntang batangas naman..kumain nangontrata ng kolorum na van.. pamasahe 110 mahal noh.. wala ng angalan makarating lang.. hehe

pangalawang B 'Batangas'

alas onse ng gabi nakarating sa bus stop ng Lipa Batangas.. problema?? oo meron malaki!!! wala ng masakyan trike driver nakipag usap.. byahe papunta San Juan Munisipyo manong magkano? 400 isang trike so dalawang trike kayong pito.... 800 na naman hindi daw pede trike kasi may kasamang buntis at sobrang layo pa ng lalakbayin...meeting sa 711.. nangontrata.. jeepney... haaaay spongecola... ang mahal ng sinisingil 1000 ..bargain.. manong 800 nalang presyong estudyante.. (magsinungaling ba) ayaw ni manong gusto 900.. walang magawa 900 shoot..
haaay linggo na ng umaga bumabyahe pa den.

linggo abril 3

ala una nakarating sa munisipyo ng San Juan Batangas.. grabe ang layo kaya pala ang mahal ng singil..naghihintay mga kasama namin (actually sila ung susundo samin.. mga naunang batch)

ala una y medya ayun na resort na... laiya batangas.. ang layo mo hehe.. nag unload ng gamit.. nag ayos ng tutulugan.. kumain.. nag tampisaw sa dagat.. naligo sa banyo.. natulog..

alas sais ng umaga .. ilang oras lang tulog ko??? hmmm 3 lang ata... grabe.. ayos.. nakisali sa paggagayak ng almusal.. sarap ng almusal.. sinangag .. itlog sunny side up.... itlog na maalat with kamatis... mainit na kape. naks ayos to..

alas ocho ng umaga nag simula ng maligo sa dagat.. tulog pa mga ibang kasama.. sarap ng tulog ni potpot ayaw magising sa almusal.. sige tulog ka lang dyan..
naglaro ng beach volleyball bagong sports daw ... ayos..nugnug na naman..

alas dos uwian na yahoooOooOo ang kukulit sa byahe.. nauso ang galawgaw song.. hahaha iba ibang bersyon..

"galawgaw ang bading bading tingnan...galawgaw ang harut-harot tingnan...galawgaw ang payat-payat tingnan.. "

alas kwatro stop over lunch time.. lunch alas kwatro ayos to foodtrip to malamang ... ang daming order na ulam sisig.. sisig.. langka.. ampalaya langka.. ampalaya langka.. paulit ulit... nilagang baka.. pritong tilapia.. inihaw na tilapia.. (inihaw na naman!!!) pritong daing na bangus.. adobeng pusit.. panghimagas na strawberry na parang ginawang salad... ano nga ba tawag don redg??? ung paborito ni noynoy??

alas sais y medya.. nakauwi na den sa wakas.. haaay tinamaan ng pagod at antok...


eto na siguro ang pinakamasayang weekend ko.. dalawang out-of-town sa loob ng weekend. masaya kasi madaming adventures.. madaming pangyayari na hindi mo inaasahan na nagagawan naman ng paraan. masaya kasi kasama mo ung mahal mo sa paglalakbay.
potpot thank you sa weekend..sa napakasayang weekend.. sa romantic na weekend.. thanks.

road trip na walang kasing saya....


Friday, April 01, 2005

try mong tumawa..

habang walang ginagawa sa opis.

==============================================
SIR: Inday, c Sir mo 2..bangga kotse ko and i nid cash!

INDAY: Aru!!! dugo-dugo gang ka noh!
SIR: Gaga! c Sir mo talaga to!
INDAY: Gago! c Sir ang tawag saken CUPCAKE!!!!

==================================
Tatlong nagyayabangan na daga ...
Daga 1: kakain ako ng keso na may rat-killer!
Daga 2: ha!!! kakain ako ng keso sa mouse trap!!!
Daga 3: tsk! tsk! tsk! manood kayo!!!! manrereyp ako ng pusa!!!

========================================
TEACHER: Anong mangyayari pag puputulin ang 1 mong tenga?
BOY: hihina po pandinig ko.
TEACHER: e kung dalawang tenga?
BOY: lalabo po paningin ko!
TEACHER: baket naman?
BOY: malalaglag po salamin ko.

==========================================
Dalawang cra ulo....

SIRAULO 1: Magaling ka na ba?
SIRAULO 2: Oo namn!!!
SIRAULO 1: Talaga?...kaya mo bng 2mawid sa ilaw ng flashlight ko?
SIRAULO 2: Ano ko cra? e pano kung patayin mo flashlyt mo?...e d Nalaglag pa ko!!!

===========================================
ATTY: Inday! pwede mo bng idiscribe d2 sa korte ang taong nangrape sayo?
INDAY: maitim, panot, tagyawatin, pango ilong at bungal...
SUSPEK: cge!!!!...mangasar ka pa!!!!

=========================================
dumating c ngongo sa bahay at tinakpan ang eyes ni misis....

Ngongo: "nges hu?"....
MRS: pa-nges hu nges hu ka pa jan....e ikaw lng ngongo d2!!!!

=======================================
Anak: nay!!! my mens na ko!

Nay: ano kulay...aber?
Anak: dark brown nay!
Nay: lintik na bata to!!!! LBM yan!!! hala..maghugas ka na ng pwet! ambisyosong BAKLA to!!!

============================================
Patient: dok. malungkot d2 sa mental kaya naisipan kong sulatan ang sarili ko...

Doc: e ano namn laman ng sulat mo?
Patient: d ko pa po alam kc next wik ko pa ata matatangap...

========================================

korni pero nakakatawa pa den kahit papano.. hehehe