m my name is.. my name is.. emanon: May 2005

Monday, May 30, 2005

iriver h10 vs ipod

iriver H10




FEATURES
Plays up to 150 hours of digital music*
• 5GB of internal storage**
• Vivid color display
• Ultra-intuitive interface with convenient touch strip
• Displays your digital photos
• Slim, lightweight design
• PlaysForSure enabled to play more of your music
• Rechargeable, removable battery lasts up to 12hrs.
• Built-in FM tuner and FM recorder
• Integrated voice recorder
• Ultra-fast USB 2.0 transfers
• Supports MP3, WMA, JPEG and TXT files
• Enhanced 3D audio (supports SRS WOW™)

PC SYSTEM REQUIREMENTS

• Windows XP (Service Pack 1 or higher)

• CD-ROM Drive

• USB Port

=================

ipod


Capacity
20GB hard disk drive (1)
Holds 5,000 songs in 128-Kbps AAC format (2)
Stores data via FireWire or USB 2.0 hard drive

Display
2-inch (diagonal) liquid crystal display with blue-white LED backlight
160 x 128 pixel resolution, 0.24-mm dot pitch
Support for display of multiple languages and characters simultaneously

Audio
Frequency response: 20Hz to 20,000Hz
Audio formats supported: AAC (16 to 320 Kbps), MP3 (32 to 320 Kbps), MP3 VBR, Audible, AIFF, Apple Lossless and WAV
Upgradable firmware enables support for future audio formats

Headphones
Earbud-style headphones with 18-mm drivers using Neodymium transducer magnets
Frequency response: 20Hz to 20,000Hz
Impedance: 32 ohms

Mac system requirements
Macintosh computer with FireWire port
Mac OS X v10.1.5 or later (Mac OS X 10.3 or later recommended)
USB 2.0 requires Mac OS X v10.3.4

Windows system requirements
PC with FireWire or USB 2.0 port, or FireWire or USB 2.0 card
Windows 2000 with Service Pack 4 or Windows XP Home or Professional

=====================

upon checking the tech specs.... i go for iriver.. what's yours? pero i have a doubt kung available pa to sa pinas? heard from techie friend phased out na ang iriver sa pinas.. oh well kahit siguro meron pang iriver sa pinas hindi den ako makakabili... hmmm iriver H10 5GB around 21K php. so expensive... mp3 player nga hindi ako makabili... kaya eto ay hanggang pangarap nalang! hehehehehe

Sunday, May 29, 2005

aircon is back!

tagal den kami nagtiis sa mainit ang maalinsangan na duty lalo na pag weekend at night shift..buti nalang nagawan na ng HR namin ng paraan.. so hindi lang centralized aircon meron kami ngayon meron na den solo aircon...

haayay sa wakas talaga at may aircon na magagamit pag weekend and night shift.. yeba! pero bakit ganun???? window type sya pero pano lalabas ung init ng aircon eh nasa loob sya ng isang store room at katabi ng store room ay server room na may nakalagay na exhaust sa store room at papunta sa server room hmmm gets nyo ba?? hehehe in short walang lalabasan ng init so meaning ung init at lamig naghahalo.... hehehe ang ganda ng design ayos na ayos talaga!! pero ok na siguro kaysa walang aircon sa gabi at weekend.. aliw na din to pag tyagaan na.. pede na magkape during night shifts .. pede na matulog dahil malamig lamig na sa department namin.. hehehe.

sa HR namin salamat sa madaliang aksyon.... madalian???? hehehe

salamat malamig na uli room namin..

Thursday, May 26, 2005

little unwell..

sick yesterday and today. too bad! pasok sa opis balut na balot. kulang na lang magdala ng kumot....

just want to say thank you to potpot.. ang sarap mag-alaga ni potpot salamat sa comfort bebe sana gumaling na ako agad!

thanks sa hot calamansi juice.
thanks sa vicks na nilagay sa mainit na tubig.. improvised inhaler..
thanks sa masahe with vicks.

and also salamat sa suggestion ng kapatid ko na decolsin.

Wednesday, May 18, 2005

liham para sa mga matalik kong kaibigan

===Dale==


tol, asan ka na ba? putek tagal na kitang hindi nakikita ah huling kita natin nung sabay tayo umuwi galing work 2000 pa ata yun.. nagkita pa nga tayo sa megamall nun.. tapos sabay sa pagsakay sa mrt pagdating sa last station kain ng hotdog sandwich kahit wala ng tubig kasi nagtitipid tayo. pero hindi ko alam na yun na pala ang huling pagkikita natin. buti nga tumawag ka sakin para sabihin aalis ka na papunta US pakshet ka pre wala man lang farewell party pero masaya na den ako kasi matagal mo ng gustong gawin yan. hanga talaga ako sa lakas ng loob mo. astig ka pre. wala kang katulad.
ngayon lang ako susulat sayo. bakit? ewan naalala lang kita kanina kasi may nakita akong stall ng hotdog sandwich. haha dami ko tuloy naalala bigla..pakners in crime sa college days natin..mga pan good time natin sa mga schoolmates and classmates natin..mga kalokohan ewan ko sayo lang ata ako nahawa hehe. naalala ko den ung nag megamall tayo at sale at nakabili tayo ng rubber shoes putek parehas na parehas pa ang design at kulay and size... asan na nga pala yung sapatos kong yun? hehe.. naalala ko den pag may kwento ka pag may problema ka sa chick mo.
nakakamiss ka den pala pre talo mo pa kasi ambon eh.. buti ambon sunod sunog ang pagpatak eh ikaw minsan lang kita nakakausap.. balitaan mo naman ako sa buhay mo.. ano na bago?

kaibigan mo,
bert


===Marvin===


hoy, pre musta na? putek naalala den kita, kaopisina nga kitang naturingan pero wala akong balita sayo ah last kong balita ikinasala ka na! hanggang don lang alam ko sayo... iba na talaga pamilyadong tao. biruin mo nagsimula sa kantyaw at ngayon asawa mo na. happy ako sayo pre at nagkaroon ng maayos na landas ang buhay mo. namimiss ko ng tumambay sa bahay nyo iinom ng coke manonood ng nba at makipag usap sa kapatid mong aning-aning na katulad mo. pero di katulad kay dale mas matino ka samin hehe.. anghel ka nun eh. kami mga pasaway. so pano pre kita kits sa bahay nyo sa binyagan ng magiging anak mo.
nga pala pre may problema ako pano sa kasal ko its either dale or you lang ang pedeng bestman ko.. may asawa ka na at malabong umuwi si dale. haaay matagal ko ng problema to..
sana minsan makatambay kami sa bahay nyo at magbonding uli tayong magkakabarkada..


kaibigan mo,
en




langya ang lalayo nyo na!! hehehe

Monday, May 16, 2005

16th day of the month

paggugunita...pag-aalala sa petsa na pagsagot sakin ni potpot..


Happy Monthsary PotPot..i Love You ;)

uwi tayo maaga potpot maki-celebrate den tayo sa bday ng mom mo..

may 15.2005. @market! market!

market! market! kasama mga prens ni potpot galing binyagan(sila lang nde ako nakasama). habang papasok sa parking sa market! market!

person1: aaah hindi pala market! market! lang meron palang metro market! market!
person2: kaya pala nahirapan kaming hanapin yun kasi dapat pala may metro hindi lang market! market!
person3: eh bakit hindi metro market! ang name ng mall?
person4: eh pano basahin yan kasi may exclamation point?
person1: market! market! (as in pasigaw)


pati simpleng bagay nabibigyan ng buhay.. aliw talaga tong group of friends ni potpot.. buti nalang hindi na ako ilang sa kanila. hehe

food trip sa foodcourt while potpot having lugaw with chicharon.
for the record.. tatlong beses ko na napapanood ang 'Kingdom of heaven'

saturday may.14.2005

divisoria mall trip! hehehe


shopping galore... divi muna ngayon tipid tipid..nice den kasi tong saturday na to kasi quality time with potpot.. from 12noon to 6pm. ayos! daming nabili ...

pagkauwi kina potpot.. diner muna then laro ng billiards ... talo ako 3-2 potpot panalo!

uwian na ....

m.y.m.p live!

friday may 13, 2005/ 4:00PM
sm sucat, paranaque
M.Y.M.P live!

2:30 PM logoff from work .. oo tama po pumasok ako ng friday kahit pahinga ko na! kelangan pumasok hehe.. reason basta kelangan..

ang init papunta na ako ng SM sucat dala-dala'y album para mapapirmahan kay juris and chin.. (pede kay juris nalang?).. grabe ang init sa byahe..pero oks lang.. 4:00PM na ako nakarating sa SM .. opps ang init naman ng pwesto sa labas ng mall. bakit kaya hindi sa loob? hmm since wala pa naman snack muna ako, madalian ang snak baka kasi wala na akong maupuan.. hmmm pagkatapos kong kumain hanap agad pwesto.. derecho lang pasok sa entrance.. opps buti hindi na nanita yung guard. haaay 430 na wala pa den MYMP... 5:00 na wala pa den... 6:00PM ayan na daw kararating lang kumain lang daw muna .. grabe naman ang tagal na namin naghihintay sa kanila... 6:15PM set up time pa lang.. haaaay .. 6:30 na naku naman nag titimpla pa den si chin at kasama sa banda.. wala sa ayos ung soundsystem na kinuha ng mga taga SM. maya maya lang ayos na .. lumabas na si juris.. hmmm mala kyla ang dating.. sige lang kanta lang dyan... haaay ang init talaga.. after 3 songs.. nagloloko na naman sounsystem.. grabe..may sabotage kaya ditong nangyayari? badtrip na si chin hehehe.. break daw muna aayusin lang daw ung soundsystem. ganda ng boses ni juris.. sayang anim na kanta lang kinanta niya... hmmm bawi nalang sa autograph signing... ayos nagawan ng paraan para nde ako maging kulelat sa pila.. mga siguro pang sampu ako sa pila.....

akyat sa stage juris pede picture naman dyan.. (kuhaan mo ko) hehehehe.. sabi ng EMCEE wow ayos ka ah! kumpleto ka sa album.. hehe kung alam lang nila hindi sa kin ung album na yun..sabi ko.. juris lagyang mo naman please ng dedication tatlong album meron ako kaya dapat may dedication.. ayos.. meron nga bawat CD.. kay chin naman... hmmm gusto pang pilitin sa paglagay ng dedication eh.. hehe ayos na to pede na ako sumibat.. hmm

palamig sa SM muna.. laro konte ng video games...tapos punta sa bahay nila apol binisita muna si eggnogg habang naghihintay kay potpot sa pag-uwi nya.

yan na! miss call na ang potpot.. bye apol.. punta na ako kina potpot...


apols, salamat nga pala sa kwentuhan habang naghihintay ako kay potpot. thanks talaga.

Tuesday, May 10, 2005

happy birthday itay..

happy birthday sa tatay kong pogi! sayang hindi ako nagmana sayo hehehe.

itay ilang taon ka na ba?
sana marami pang taon ang darating
para magkasama pa tayong apat.

alam ko masaya ka sa kaarawan mo.
kahit hindi kumpleto ang mahal mo sa buhay.
pero bakas sa mukha mo ang tunay na kasayahan na ngayon ko lang nakita.

salamat at ikaw ang aming tatay..
salamat sa mga pagkain at nabusog mo kami.
salamat sa pagmamahal itay.

mahal ka namin!

Happy birthday itay...

solong lakad sa sto thomas (05062005)

solong lakad sa sto thomas batangas.

friday morning (8:00AM)

gising na!! haaay katamad gumising.. pero kailangan ko na mag prepare dahil malayo layo den lalakbayan ko. mega preparation..

tools (network stuffs) - cheked
utility softwares - checked
router device - checked
ethernet cable - to pick up(office)

ayos na! opppsss..ligo muna ... then kain ... then ready to rumble!!


friday morning still (10:00AM)

paalis na ako ng office nakuha ko na yung dapat kong kunin.. off to go to buendia bus terminal.. haaay sana hindi ako makatulog kasi first time kong mararating ang sto thomas batangas (FPIP) first phil. industrial park.

hmm maluwag pa sa bus mukhang hindi makakaalis ng maaga. bili muna ako 7-up+mani... kakagutom ang init kasi.. nood tv.. subo ng mani sabay lagok ng 7-up.. yan na! paalis na! haaay manong konduktor ibaba nyo ako sa sto thomas (FPIP). shoot... "byahe tayo sa ganda ng pilipinas"..


friday morning still (11:30AM)...

haaaay si manong konduktor nakalimutan ung FPIP buti nalang napansin ko yung malaking entrance at karatula ng FPIP. Lumagpas tuloy ako ng konte.. konte lang naman kaya wag ng sisihin si manong konduktor.. almost lunch time na pala... hmmm san kaya makakain? sabi ng contact ko walang food sa loob ng FPIP. ayun buti may karenderya. porkchop+1 rice(diet)+soup+7-up(uli) .. sarap haaay sarap den pagkain nila... busog na.. pasok na sa loob ng FPIP.. putek walang shuttle ang init pa.. text contact person (sundo mo ko sa gate walang shuttle ang init bilisan mo po!! ) demanding... at buti naman dumating agad.

friday noon (12:30PM)..

start na ng setup..

total computers for network setup 4 units (kasama na server).
modem GLOBE DSL
D-Link router/switch (nagtitipid kasi)

haaaaay nakalimutan ko na ata mag windows network configuration hehe..

mahirap magsetup ng network kung ang windows na naka install ay japanese language.. buset...sir i need your help. need interpretation... (nakiusap sa boss).


buti nalang at wala syadong problema.. tapos agad .. yahoooo...

nakaalis ng batangas 5:15PM..


meet ko pa potpot sa ayala.









Thursday, May 05, 2005

JUDEAN ka ba? BATCH 95? Pakibasa naman to at magcomment ka!

Judean Batch 95... survey lang po Ang mga sususunod na katanungan ay maaaring walang kwenta sa inyong paningin ngunit sa mga susunod na araw, malay nyo ay maaring gamitin.... kaya paki-usap lang kaibigan... pakisagot ng buong katinuan... hehehe
1. Kung sakali, kung sakali lang naman... gusto nyo bang magkitakita ulit tayo?
2. Kelan sa tingin mo?...
a. October (para St.Jude Day.. naks!)...
b. December (in time for Christmas and tamang Year-ender ang dating..)
c. teka.. i'll check my schedule... hehehe
3. Saan naman kaya?...
a. St Jude Quadrangle (para medyo walang gastos)
b. Hotel (para professional ang dating)
c. Disco / Bar (para makasayaw ulit after 10 years na di mo nagawa..)
d. Others, pls specify (naks!) _______________ (out of town, private pool o kahit ano...)
4. May toma o wala?
a. Wala... kasi ayaw ng misis ko / di parin alam ng nanay ko / may plano akong maging santo
b. Meron... syempre no! anong klaseng tanong yan?
5. Paano ang food?
a. heavy para dami energy pag sayawan na
b. kahit finger foods ok na... tamang cocktail party... magsama sama lang
6. Anong gusto mong isusuot sa araw na yon?
a. Formal (barong, americana... kahit na upa.. para tamang JS di ba?)
b. Semi Formal (para makagalaw naman ng konte)
c. Casual (para naman maka toma... hehehe)
5. Ano pwede mo ambag?
a. ako bahala sa mga repapips ko... tawagan ko sila, text o email.. kahit i-page at sulatan ko pa...
b. sali ako sa program... kakanta, sasayaw,tugtog ng banda... mga bagay na tunay na kahanga hanga basta pumili ng isa...
c. sali ako sa pag-organize... ways and means, budgeting, program, food and circulation committees (pili lang ng pili mga tol mga igan... pero sana kayang gampanan)
d. eto email, phone number at celfon number ng kaaway ko nung highschool... bahala ka nang kumontak sa kanila... hehehe (pwede rin naman yung dati mong crush na hiya ka pa ring tawagan kahit matagal mo ng alam contact numbers or email address nya...)
6. Sino sa mga teacher natin nung highschool ang gusto mong i-invite? (write as many as you want... kung may mapili ka ha...)
7. Sino naman ang ayaw mong i-invite? (please limit your answer to 5 sentences... please.... hehehehe)
8. Pano kita mako-contact?
a. here's my email add:
b. my mobile / contact numbers:
c. add me in your friendster list...
Thanks po ulit for your time mga bro, tol, mare at pare, igan at repapips... sana sa kahit papano... magkita kita ulit tayo...

Sunday, May 01, 2005

tanong... tanong...

ang daming tanong
pero maski sa isipan wala pa den linaw na kasagutan..

ang dami mong nakikita..
pero kahit sa tapat mo na hindi mo pa den napapansin..

ang daming nararamdaman..
pero hindi mo alam kung tuwa o kaya kalungkutan..

ang daming dasal..
pero kahit konteng pag-asa wala kang natatanaw..

puro pagpapahaging nalang ba? o deretsahan na?
pero natatakot ka baka mamis-interpret nya lang.. kahit katotohanan ang tunay mong hanap.

haaaaaaaay

tumatanda ka na tol..

share ko lang...

Tumatanda ka na, 'tol!
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong
child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee
idol noon.Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag maysumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinetmo.
May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko
biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta,
inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa.
Ngayon, nagkukumpulan nalang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na angbest friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayangpagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay,
nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong
galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera
din at ambisyonang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin
ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin kang
credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon,
dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya kana
noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon,
ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati,
sulit nasulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng redwine,
maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtatakaka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo
kailangan,abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin,hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa langsa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung
bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit langhanggang
maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano kanagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan
mo
sila.Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

weekend ko 'toh

friday

... 1630H meet ko potpot sa robinson pioneer off to ULTRA to watch boyzIImen concert.. masayang experience bago makarating kami sa ULTRA. habang nasa juan san miguel avenue (ortigas), ayun na nagsimula ng topakin ang kotse ni potpot.. first time namin dalawa na ma-experience na matirikan sa gitna ng kalsada.. buti nalang sa pagpipilit ni potpot nakarating kami sa caltex gas station(shaw blvd) buti nalang malapit na ang caltex.. check namin kung anu-ano radiator baka kasi overheat.. pero hindi naman.. nakiusap kami sa caltex mekaniko (si manong buti nde pa nakabihis)... sabi namin kay manong "ede nyo po bang i-check yung fuel filter kasi po namamatayan po kami" eto naman si manong todo check-up... bad news naman agad bungad ni manong... "barado fuel filter bilisan nyo para makaabot pa kayo sa hardware" pahiwatig ni manong..." manong magkano po aabutin".. sambit namin "isang libo mahigit".. wika naman ni manong. (mga pasado alas sais na.. manong baka po pede ma remedyuhan makauwi lang kami...buti nalang na remedyuhan ni manong.. at sa pag test drive hindi na tinopak ang kotse ni potpot.. pero bakit ganun mahal ang singil ni manong may merienda pa.. 350.00 plus snack.. ang ginawa namin binawian namin ang caltex.. hehe park kami sa caltex ng walang bayad.. iniwan ang kotse at nagtaxi papuntang ULTRA. heheh

ULTRA na!! susme ang haba ng PILA agad.. may nakapila mula gate 1 hanggang gate 4 ng gallery... pila naman kami sa gate 4.. 1930H na hindi pa den nagpapasok.. alas otso ang concert.. pinoy time na naman.. sabay sabi ng guard.. "gate 1 and gate 4 lang ang bubuksan namin".. swerte namin ang sa gate 4 kami nakapila.. hehe

oppsss simula ng pagpapasok.. hanap ng magandang pwesto sa gallery.. 2130H na nagsimula ang concert. rainer...yasmien .. faith cuneta .. sheryn regis (tama ba spelling ko?).. yan mga kung baga pampagana.. hehe eh kay sheryn lang ata nabuhayan ng dugo mga audience.. hindi sa pagkanta nya sa kakikayan nya.. pero infairnes hataw sa boses...

oppps ano ba 2230H na hmmm papasimula na ang boyzIImen.. oppss kelangan kong lumabas.. para i-check ang kotse kung nasa caltex pa ba? at kung kumpleto pa.. hehehe.. naiwan ang potpot..... at buti nakabalik ako agad. 2 songs lang ang na-miss ko. ayos... hataw talaga ang boyzIImen lalo na pagdating sa i'll make love to you.. hehehe.. ilang songs nga ba ung nakanta nila lahat lahat potpot? haaay one hour lang nag perform ang mga egoy.. ok na den dahil ung gallery namin napunta kami sa lowebox. ayos di ba from500++ to 2,000++
siempre hindi na kami nagbayad for lowebox...sulit na den.


2330H time to go home .. bili muna food pang midnite snack..


saturday
1635H nakarating ako ng SM paranaque para i-meet si potpot at mga high school friends nya.. para punta sa kaibigan nila na nasunugan.. to donate some stuffs.. ayun hanggang sa lugar ng kaibigan nila.. kulitan pa den.. sayang wala akong nauwing tinapay.. oh tara na!!! starcity na!!

2000H nakarating kami sa starcity..may libreng rides ticket kasi si IKE. ayos!! pero mag e-enjoy lang ako sa bump car hehehe.... ikot-ikot muna...

2100h pumasok kami sa aliw theater para manood ng circus..ballet show.. icebreaker si goofy at tweetie.. sows me.. walang napagbalingan ng pansin kundi si goofy at tweetie.. pinagtripan ang dawala.. kawawa naman hehe.. infairness magaling sumayaw si goofy talo si tweetie. hehee. yahoo start na ng show... kasi nakakahilo ata yung show kasi hindi mo malaman kung ano papanoorin mo.. sa stage ba na andon si malakas at maganda.. or sa gilid na may sumasayaw ng ... katutubo dance.. or sa taas na nag bibisikleta sa alambre... or sa likod na may nambubugaw ng langaw dance. hehehe..

2230H rides rides rides... hmmm bump car lang ata nasakyan ko hehehe... back out kasi ako sa isa.. yung parang anchor's away..

2310H diner time......

2400H uwian na... opps too late na... masarap ang tulog ko sana .. kaso bitin nga lang...


hmmmm sarap ng weekend ko.. the best na naman walang araw na nasayang.. lahat masaya... salamat kay potpot sa weekend na nagdaan..



apol and junn's AJ

what: Apol's due date
where: st. clare's hospital ( makati city)
when: april 28, 2005 6am

bouncing baby boy..hehe ang cute ng baby ni apol and junn.. pero hmm bakit kaya nasabi ni apol yun.. alam nyo ba ang unang nasabi ni apol nung first moment na makita ng ina ang kanyang anak????? hehehe matatawa ka..yung first time nyang makita ung anak nya...

to apol and junn congrats po... tol ano kaya pedeng ibigay na palayaw sa anak nyo? kung si justin aka bilog.. si aj kaya ano kaya?? hmmm aj a.k.a eggnog?? hehe loko lang..