road trip B-to-B
Dalawang B sa tag-init..
unang B 'Baguio'
sabado abril-dos
alas DOS ng madaling araw ako nakarating sa may Lacson avenue malapit sa Espanya Blvd para abangan ang mga makakasama ko papuntang baguio (potpot and family). habang wala pa sila nagkape muna ako sa burger machine.maya-maya lang dumating na sila byahe na papuntang baguio....
alas ocho ng umaga baguio na. nakahanap ng matutuluyan sa teacher's camp. derecho na sa mine's view.. kodakan dito kodakan doon.. bili dito halukay doon..
alas dose ng tanghali SM baguio.. after lunch sibat agad kasi naghahabol ng oras..
ala una y medya saulog bus byahe na papuntang manila... nanood ng eat bulaga.. natulog ...
alas singko bus stop sa tarlac sa terminal ng saulog-dagupan.. kumain... nag stretching..kodakan...tanong ko sa driver 'manong mga ilang oras pa tayo makakarating ng manila.. kaya ba ng dalawang oras?' sambit ni manong 'hindi eh mga tatlong oras pa makakarating na tayo ng pasay.' (ang bagal kasi mag drive eh hehehe)
alas singko y medya byahe uli..umidlip... nanood ng wag kukurap.. nanood ng pinoy pop... hmm pansin ko lang kapuso ung driver at konduktor.
alas ocho ng gabi nakarating na sa EGI mall Buendia para kitain ang mga kasama papuntang batangas naman..kumain nangontrata ng kolorum na van.. pamasahe 110 mahal noh.. wala ng angalan makarating lang.. hehe
pangalawang B 'Batangas'
alas onse ng gabi nakarating sa bus stop ng Lipa Batangas.. problema?? oo meron malaki!!! wala ng masakyan trike driver nakipag usap.. byahe papunta San Juan Munisipyo manong magkano? 400 isang trike so dalawang trike kayong pito.... 800 na naman hindi daw pede trike kasi may kasamang buntis at sobrang layo pa ng lalakbayin...meeting sa 711.. nangontrata.. jeepney... haaaay spongecola... ang mahal ng sinisingil 1000 ..bargain.. manong 800 nalang presyong estudyante.. (magsinungaling ba) ayaw ni manong gusto 900.. walang magawa 900 shoot..
haaay linggo na ng umaga bumabyahe pa den.
linggo abril 3
ala una nakarating sa munisipyo ng San Juan Batangas.. grabe ang layo kaya pala ang mahal ng singil..naghihintay mga kasama namin (actually sila ung susundo samin.. mga naunang batch)
ala una y medya ayun na resort na... laiya batangas.. ang layo mo hehe.. nag unload ng gamit.. nag ayos ng tutulugan.. kumain.. nag tampisaw sa dagat.. naligo sa banyo.. natulog..
alas sais ng umaga .. ilang oras lang tulog ko??? hmmm 3 lang ata... grabe.. ayos.. nakisali sa paggagayak ng almusal.. sarap ng almusal.. sinangag .. itlog sunny side up.... itlog na maalat with kamatis... mainit na kape. naks ayos to..
alas ocho ng umaga nag simula ng maligo sa dagat.. tulog pa mga ibang kasama.. sarap ng tulog ni potpot ayaw magising sa almusal.. sige tulog ka lang dyan..
naglaro ng beach volleyball bagong sports daw ... ayos..nugnug na naman..
alas dos uwian na yahoooOooOo ang kukulit sa byahe.. nauso ang galawgaw song.. hahaha iba ibang bersyon..
"galawgaw ang bading bading tingnan...galawgaw ang harut-harot tingnan...galawgaw ang payat-payat tingnan.. "
alas kwatro stop over lunch time.. lunch alas kwatro ayos to foodtrip to malamang ... ang daming order na ulam sisig.. sisig.. langka.. ampalaya langka.. ampalaya langka.. paulit ulit... nilagang baka.. pritong tilapia.. inihaw na tilapia.. (inihaw na naman!!!) pritong daing na bangus.. adobeng pusit.. panghimagas na strawberry na parang ginawang salad... ano nga ba tawag don redg??? ung paborito ni noynoy??
alas sais y medya.. nakauwi na den sa wakas.. haaay tinamaan ng pagod at antok...
eto na siguro ang pinakamasayang weekend ko.. dalawang out-of-town sa loob ng weekend. masaya kasi madaming adventures.. madaming pangyayari na hindi mo inaasahan na nagagawan naman ng paraan. masaya kasi kasama mo ung mahal mo sa paglalakbay.
potpot thank you sa weekend..sa napakasayang weekend.. sa romantic na weekend.. thanks.
road trip na walang kasing saya....
6 Comments:
ngayon ko lang nalaman may talent ka pala sa pagsusulat, pinsan. hay, hindi talaga maipagakakaila na pinsan kita, kc pareho tayo magaling... sa lahat ng bagay (pwede na siguro magyabang dito, dalawa lang naman tayo, sa ibang nakikibasa, sorry nalang kayo) hahaha!Ü joke lang.) alam ko, darating din ang time na ako naman ang magkekwento sayo ng sarili kong "roadtrip". ingat. --jet
thanks insan jet.. hehe asahan ko ung kwento mo ha
pano kasi...hahaha gusto parehong pumunta sa Baguio at Batangas ayan tuloy. Hinang-hina na pag-uwi talo pa kita nyenyenye
talo mo nga ako waaah kasi ang haba ng tulog mo hehehehe
kayo talagang dalawang bata..papaluin ko kayo sa puwet...kukulit niyo talaga...-ate
Batangas has so many wonderfull view. you should try malvar lobo mabini or mataas na kahoy in batangas.
Post a Comment
<< Home