m my name is.. my name is.. emanon: August 2005

Thursday, August 18, 2005

is it A or B?

Look, if you had one shot, or one opportunityTo seize everything you ever wanted-One momentWould you capture it or just let it slip?

whoa! di ko alam kung dilemma tawag dito or what.... pero para sakin dilemma to..

en usap muna tayo sabi ng manager ko. please proceed to the conference room ..huh? pucha ano nagawa ko? no idea kasi too early pa sa inaasahan ko. blah blah..at the conference room straight to the point ito.. i will give you 2 options.... pero hindi pwede dalawa ang piliin mo. Sus me akala ko kung ano na? These are your options Senior Network VoIP Engineer or Specialization (Solaris Certified Systems Administrator). siempre discussion kung ano ang magiging responsibilities ko. haaaaay.. masarap maging simpleng empleyado do the daily routine.. blah blah.... pero sabi ni eminem ..." You only get one shot, do not miss your chance to blow This opportunity comes once in a lifetime yo",haaaay nakakatakot maghandle ng job task lalo na pag solo ka... the pressure is on me..

" look en, give you one week to make you decide is it A or B? just let me know once you decided, and will assign projects for you.." oh well, sounds pressuring.. freezin' in the sun...burning in the rain....hahaha

malaking responsibility to at big career move. pucha naalala ko tuloy yung spiderman movie "great powers comes from great responsibility" . willing to take the risk.. kahit ano na.. bahala na si batman.


oh well, may initial decision na ako... i'll go for SCSA bwahahaha taas ng pangarap ko.... sana pede mag backout..




Friday, August 12, 2005

jolli-jeep 24/7

alas dos na ng umaga. tinatamaan na ng antok. tapos ng gawin lahat ng mga pendings para sa duty na to. monitoring nalang ang tanging gagawin. apat na oras pa akong ganito. hindi naman makatulog kasi baka biglang may bumigay na server. isang kaopisina ang nag pop-up sa MSN. 'pre, baba tayo bili tayo ng kape at tinapay'. Naisip ko etong mga nakaraang araw nagpapadeliver pa kami sa mcdo at saka sa pizza hut. bakit ngayon parang tipid kami? hmmmm ganito ang mga eksena sa opisina pag mga ilang araw nalang ay sweldo na. kinakapos palagi.balik tayo sa kwento..

bumaba na kami para bumili ng kape at tinapay buti nalang at may jolli-jeep na 24/7 den. pero pagdating namin don kelangan pang bulabugin ang jeep para magising si manong. 'suki dating gawi. dalawang tinapay (yung paborito) at dalawang kape' -wika ng kasama ko. tinapay ocho isa. kape limang piso isa. trese busog ka na! cost-cutting talaga! paakyat na kami.. nakakaaliw pa kasi nagkatakutan pa sa elevator.

derecho sa pantry.. timpla ng kape. at iniwanan ako ng kasama ko kasi may biglaang trouble sya. solong nagmeryenda. walang pake sa mga kaluskos na naririnig (may mumu daw sa pantry sabi ng iba) kasi gutom at antok na. salamat kay 24/7 na jolli-jeep at napawi nya ang gutom ko at antok sa halagang trese pesos.

dahil kay jolli-jeep gising na diwa ko.

manong magdo-donate kami minsan ng katol sayo.

Thursday, August 04, 2005

latest project list

my latest project list argh .... pahirap.. hehehe

Documentation of PA168s SIP Phone device for VoIP purpose[DONE]
Samba as PDC Server configuration [DONE]
User Interface Update[DONE]

Update all Customers UI's [DONE]
Implementation of Samba as PDC in all NOC workstations [DONE]

to do:

Samba OpenLDAP [on going]
CISCO [soon]



ETC none yet

Tuesday, August 02, 2005

mood checklist

cold feet [done]
butterfly in stomach[done]
excited[current]
flying without wings[current]

you should taste the revenge of the gods - bilog

'you should taste the revenge of the gods' linya to pag tinamaan mo yung kalaban mo tapos hindi pa nahuhulog sa tubig.

'stupid' pag natira mo ang sarili mo at yan ang sasabihn ng kalaban mo sayo.

'you missed' at may tawa pa.. hahahahaha...pagtinira mo ang kalaban mo at hindi mo tinamaan yan maririnig mo.

yan ang mga paborito kong linya ng mga character pagnaglalaro ako ng worms. mahirap nga lang kasi 3D. Nakakaadik pala to laruin, bakit kasi wala akong hilig sa computer games pero nung nalaro ko na sya ayun hindi ko na iniwanan hanggang manalo ako vs. computer. at kahit si justin 'bilog' naadik na den. gusto nyang makita lagi yung worms at sa twing mahulog namin ang kalaban sa tubig with matching apir pa. darating ang araw at sya na mismo ang may hawak ng computer at mouse para maglaro ng worms at ako nalang ang makikinood sa kanya. bakit? kasi pag login ko palang sa PC at nakita nya sa desktop and shortcut sa desktop sabay turo at tila excited na nagpapahiwatig 'bilisan mo tito en'.
dahil sa worms nabibigyan kami ni bilog ng panandaliang saya at panandaliang napipirmis si bilog.
salamat sa gumawa ng worms.