jolli-jeep 24/7
alas dos na ng umaga. tinatamaan na ng antok. tapos ng gawin lahat ng mga pendings para sa duty na to. monitoring nalang ang tanging gagawin. apat na oras pa akong ganito. hindi naman makatulog kasi baka biglang may bumigay na server. isang kaopisina ang nag pop-up sa MSN. 'pre, baba tayo bili tayo ng kape at tinapay'. Naisip ko etong mga nakaraang araw nagpapadeliver pa kami sa mcdo at saka sa pizza hut. bakit ngayon parang tipid kami? hmmmm ganito ang mga eksena sa opisina pag mga ilang araw nalang ay sweldo na. kinakapos palagi.balik tayo sa kwento..
bumaba na kami para bumili ng kape at tinapay buti nalang at may jolli-jeep na 24/7 den. pero pagdating namin don kelangan pang bulabugin ang jeep para magising si manong. 'suki dating gawi. dalawang tinapay (yung paborito) at dalawang kape' -wika ng kasama ko. tinapay ocho isa. kape limang piso isa. trese busog ka na! cost-cutting talaga! paakyat na kami.. nakakaaliw pa kasi nagkatakutan pa sa elevator.
derecho sa pantry.. timpla ng kape. at iniwanan ako ng kasama ko kasi may biglaang trouble sya. solong nagmeryenda. walang pake sa mga kaluskos na naririnig (may mumu daw sa pantry sabi ng iba) kasi gutom at antok na. salamat kay 24/7 na jolli-jeep at napawi nya ang gutom ko at antok sa halagang trese pesos.
dahil kay jolli-jeep gising na diwa ko.
manong magdo-donate kami minsan ng katol sayo.
5 Comments:
ilan daw ba ang multo sa pantry?
baka kasi nagugutom lang din sila kaya nag-iingay, hindi mo daw kasi inalok.
isang advice para hindi antukin...basahin ang libro ng ibong adarna at duon ikaw ay may makikita (huh..ano daw?..kutsilyo at calamansi lang katapat niyan, lagyan mo na din ng konting asukal para hindi masyadong maasim...hahehahehahe!)
hoy nunu... nuninuninuninuninuni hehehehe multuhin ka sana! hehehehe.
kelangan ba talaga na maliit ang font? huhuhuhu
hindi ba dirty un jollijeep na yan?! xenxa na ask ko lang po kse may kinuento un bf ko eh hehehe basta ingat na lng sa pgkain-kain ng ganyan!
lagi ngang me "personal touch" ang mga pagkain sa jollijeep. hay naku.swertihan na lang =)
Post a Comment
<< Home