my name is.. my name is.. emanon
slim flickerring emanon
Friday, June 13, 2008
Thursday, April 24, 2008
en means???
What En Means |
You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone. You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together. At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together. You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people. You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts. You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals. |
Thursday, April 10, 2008
alingawngaw!
Long time no entry here.. hehe.. may kwento lang ako sayo.. hindi ko kasi maintindihan kung anong meron boss ako. hindi ko alam kung naiintidihan nya yung mga emails or mga comments sa ticket.
basta makita nya lang pangalan ko may FYI agad... leche sana basahin mo muna kung para sakin ba yun.. eh nagcheck ako ng ticket wala naman akong nakikita sa history na andon ang pangalan ko.. hindi ko nga yun na troubleshoot.. hindi ko alam yung issue kasi Sick Leave ako... malay ko sa ginagawa ng ibang engineers... na mention lang ni big brother name ko parang hello kasalan ko na at may FYI pa nya ako... eh mali lang ung big brother ng paglagay ng name.. hehehe buset!
para sayo alingawngaw: hindi ko alam kung nagpapanic ka or nangangati pwet mo pag nakakabasa ka ng email galing sa CEO. sana man lang kung mag email ka basahin mo muna mga contents or history man lang.. para hindi FYI ung sasabihin mo para sakin. para maramdaman ko andyan ka para hindi isang alingawngaw lang kundi boss na nagtatanggol.
at sa dalawang alingawngaw: sana naiintindihan nyo ng husto sistema natin para naman hindi lang kayo puro utos kung may mga issues na dumadating. at least kaya nyo magtanggol ng staff nyo.
eto lang masasabi ko isa kang malaking alingawngaw!
Tuesday, July 10, 2007
to my dearest father
Pa,
sabi nga nila instant angel ka daw namin..
maraming salamat sa lahat ng binigay nyo sa amin. sa lahat ng sakripisyo nyo sa mga oras na binibigay nyo sa amin. sa pag alaga nyo sa amin. alam ko nasa tabi ka lang namin. at isang tawag lang namin darating ka agad.
lahat po mamimiss ko sa inyo lalo na mga ngiti nyo. at masarap na luto nyo.
rest in peace papa! We love you!
Friday, December 22, 2006
Paskong may sakit
deym.. ang hirap magkasakit dito lalo na kung mag isa ka. kelangan mo lumabas para bumili ng makakain. nde naman kasi laging noodles kakainin mo. baka lalo ka pang magkasakit, mawawala nga lagnatcoughcold mo baka magkasakit ka pa sa bato. grabe na talaga lamig ....
good thing cricket lives in first floor. parang tatay umaakyat pa para kumustahin ka at bigyan ka ng hot tea. thanks cricket.. deym miss ko na pinas.. miss ko na asawa ko.. miss ko magpasko don!
can't help it want to go home, but i can't... what to do? deal with it? yeah! lapit na feb.. makakauwi at makakauwi den ako!
Happy Holidays!
first week in NewYork..
first week in NY not so good not so bad.. I learned how to go to office and go home alone.. madali lang pala tong NY basta always "READ SIGN"connect connect lahat tong train na to. ngayon ko lang naisip na butas butas pala ang ilalim ng NY dahil sa sanga-sanga station ng tren at napaka-artistic pa nila. biruin mo ang daming graffiti sa mga station ng tren lalo na sa mga underground libre vandalism.
first week sa office.. wow to tell you! mapapanisan ka ng laway kung nde ikaw mismo mag start ng conversation. katabi mo na nde pa kayo nag uusap. at isa pa panis na tagalog ko. hehehe.. natutuwa naman ako sa opis namin dahil libre food.. order ka food pede mo pa iuwi kasi sa sobrang dami ng servings nde mo mauubos at pede mo syang diner (tipid di ba). at isa pang nakakaaliw sa office kasi iba-iba grupo.. may russian na kung tawagin naming russian mafia, asian mafia (chinese, pinoy) isama nasa chinese mafia ang nag iisang taga mongolia (not sure kung asian country) at ang nagiisang ganesh.. hahaha.
first week sa NY.. may nadiscover na agad akong makakainan na makakasundo ko eto ang "long hi chinese resto" dito lang ako nakakain ng rice. hehe. haaay miss ko na kumain ng adobo, sinigang at kung anu-ano pang pinoy food.
first week kala ko last week ko na :D gusto ko na umuwi ...
Tuesday, December 12, 2006
cricket...
cricket.....
tong blog na to pasasalamat kay cricket..si cricket ka opisina ko work nya parang messenger kung tawagin natin sa pinas. pero wag ka nakakabilib.. ang ganda ng bahay nya dito... this guy is so nice... as in.. he picked me up from the airport and then dropped me off to his apartment.. (yes, dito ako nakatira sa apartment nya duplex kasi pero solo ko ung taas). pagkadating agad namin sa apartment pinahiram nya agad sakin yung modem nya.. wow sobrang bait..and take note nde mo po sya black american... hmm indian ata sya...then, bumalik na sya opis and I told him na I cannot go to office yet, I need to catch some sleep dahil nakakapagod ang byahe ko...
kinabukasan, kumatok si cricket... wow may dalang tea with milk (kakagising ko lang) sakto ung katok nya.. nice pala ang tea na may milk ma try nga sa pinas to.. then aside sa tea with milk may dala na syang allowance para 1 week hehe.. tapos afternoon we went out sa apartment naglalakad lakad at tinuro nya sakin lahat ng mga stores .. convenient ung place kasi malapit sa subway(walking distance).. malapit lang ung laundromat.. malapit lang ung convenient store, may malapit na drugstore..as in andito na halos sa labas na kakailanganin mo.. at meron pang mala 168 mall as in mura lang ung mga bilihin...
madami na den tinuro sa kin na tip si cricket na dapat daw mag act ako na matagal na sa lugar na to at wag daw ako papahalata na baguhan ako.. pede ko daw tanggihan ung mga nanghihingi ng limos hahaha.. kahapon may lumapit samin babae dalawa nanghihingi ng limos.. mga teenagers pa.. sabi ni cricket those are homeless people.. madami den pala dito nun pero pinagkaiba lang nila mas matino damit nila kumpara nanghihingi ng limos sa pinas :D
hey cricket.. thanks for everything... boss is right... im in good hands... :) stay cool buddy...
Monday, December 11, 2006
akala ko kaya ko.....
sa wakas narating ko den ang JFK airport (new york)...
akala ko kaya ko ang lamig.... paglabas ko ng airport langya... nangatog ako.. bukas ng bag kinuha ko ang thermal jacket at kinuha ko ang bonet ko... ang lamig pa den.. at grabe umuusok na talaga ang hininga ko.. partida wala pang snow yan.. windy palang yan.. ano nalang kaya kung snowing na... help me Lord..
akala ko kaya ko maging malayo sa pinas.... sa totoo lang lagi kong pinalangin na sana makapagwork ako sa abroad para man lang ma-experience ko... now im here... tell you honestly pag apak ko palang sa JFK airport... want to scream "ibalik nyo ako sa pilipinas" (literally speaking)... parang nawalan na ako ng gana magwork abroad...mahirap mag-isa dito... as in solo ka .. wala kang pinoy na makakausap sa work.. wala kang pinoy na makakasama sa apartment... gusto ko sa pinas lang ako kumabaga masaya na ako kung ano meron ako sa pinas.... iba talaga pag nasa sariling bayan ka.
akala ko madaling lisanin ang pinas... madalas ko na nahahatid ang misis ko palabas ng pinas... hinahatid namin sya airport.. iba pala talaga pakiramdam pag ikaw yung aalis.. lalo na kung hindi ka nahatid ng misis mo sa airport.. parang nung time na un gusto ko ng hindi tumuloy... gusto ko na mag chicken out... mahirap... mahirap umalis sa mga mahal mo sa bahay mahirap lisanin ang bayan mo ...
pero alam nyo masaya na ako naranasan ko na matagal kong pinagdasal.. pero hindi eto ang gusto kong buhay.. gusto ko malapit ako sa pamilya ko, malapit ako sa asawa ko... sa ngayon iniisip ko nalang na kahit anong mangyari uuwi at uuwi ako ng pinas... yan nalang motivation ko para hindi na ako masyadong malungkot...saka iniisip ko magandang experience to... at makukhaan ko ng picture si liberty na nilalamig hehehe... at makakakita ako ng SNOW :D