sa wakas narating ko den ang JFK airport (new york)...
akala ko kaya ko ang lamig.... paglabas ko ng airport langya... nangatog ako.. bukas ng bag kinuha ko ang thermal jacket at kinuha ko ang bonet ko... ang lamig pa den.. at grabe umuusok na talaga ang hininga ko.. partida wala pang snow yan.. windy palang yan.. ano nalang kaya kung snowing na... help me Lord..
akala ko kaya ko maging malayo sa pinas.... sa totoo lang lagi kong pinalangin na sana makapagwork ako sa abroad para man lang ma-experience ko... now im here... tell you honestly pag apak ko palang sa JFK airport... want to scream "ibalik nyo ako sa pilipinas" (literally speaking)... parang nawalan na ako ng gana magwork abroad...mahirap mag-isa dito... as in solo ka .. wala kang pinoy na makakausap sa work.. wala kang pinoy na makakasama sa apartment... gusto ko sa pinas lang ako kumabaga masaya na ako kung ano meron ako sa pinas.... iba talaga pag nasa sariling bayan ka.
akala ko madaling lisanin ang pinas... madalas ko na nahahatid ang misis ko palabas ng pinas... hinahatid namin sya airport.. iba pala talaga pakiramdam pag ikaw yung aalis.. lalo na kung hindi ka nahatid ng misis mo sa airport.. parang nung time na un gusto ko ng hindi tumuloy... gusto ko na mag chicken out... mahirap... mahirap umalis sa mga mahal mo sa bahay mahirap lisanin ang bayan mo ...
pero alam nyo masaya na ako naranasan ko na matagal kong pinagdasal.. pero hindi eto ang gusto kong buhay.. gusto ko malapit ako sa pamilya ko, malapit ako sa asawa ko... sa ngayon iniisip ko nalang na kahit anong mangyari uuwi at uuwi ako ng pinas... yan nalang motivation ko para hindi na ako masyadong malungkot...saka iniisip ko magandang experience to... at makukhaan ko ng picture si liberty na nilalamig hehehe... at makakakita ako ng SNOW :D