m my name is.. my name is.. emanon: July 2005

Friday, July 22, 2005

happy birthday ate jacq!

ate jacq

kapatid maligayang kaarawan.
dapat lagi kang malakas para nde ka na magkakasakit ang liit liit mo pa naman.
maswerte na ako kasi kapatid kita .. pedeng mautangan pedeng magpalibre anytime kaya tol dapat alagaan mo katawan mo lagi ha. para hindi ka na magkakasakit para malibre mo pa ako lalo na sa starbucks.

happy birthday uli kapatid.. enjoy your day!


:P

entot

Sunday, July 10, 2005

Kaibigan sa maling konsepto

Pinoy.... hmm likas na sa mga pinoy ang pagiging palakaibigan san man sulok ng daigdig. Madali tayong makipagsalamuha sa mga taong nakapaligid sa'tin. Minsan sa bus, sa pampasaherong jeep, sa MRT/LRT o kahit san man. Sa unang impresyon nasasabi nilang ikaw'y suplado, tahimik, makulit at minsan wala silang masabi. Pero minsan ang pakikipagkaibigan ay nailalagay sa maling konsepto.


Kaibigan ko si denggoy minsan nakwento nya sakin ang mga sama ng loob nya sa kaibigan nya na inakalang kaibigan nga nya. ang mga sinasabi nyang kaibigan ay nag aral sa ibang paaralan. eksklusibong paaralan sambit nya... siempre mataas ang tingin ko sa mga taong nag aaral sa mga eksklusibong paaralan. graduating daw ang kaibigan ni denggoy nun. nagpatulong sa kanya tungkol sa thesis. siempre tinulungan eto ni denggoy dahil parehas naman sila ng kurso. todo tulong si denggoy sa mga kaibigan nya kulang nalang ubusin nya oras nya sa pagtulong ng thesis ng mga kaibigan nya na nag-aaral sa eksklusibong paaralan. todo suporta pa sya. at sa wakas natapos ang thesis, nakapagpresent, at naipasa ang thesis.. pero bakit ganun. pagkatapos ng thesis ay hindi na nagparamdam kay denggoy. walastik. kahit thank you wala syang natanggap. patay na den ang 'pager' at hindi na sya kinakausap sa telepono laging wala daw. bakit? tanong ko kay denggoy. hindi nya den alam bakit nagkaganun. marahil nagamit lang si denggoy. pero sa kabaitan ni denggoy tinanggap na lang nya lahat. at nagwalang kibo na lang. masarap tumulong oo.. lalo na ung natulungan mo ay nagtagumpay. Napunta lamang ang pakikipagkaibigan sa wala.

Nakakalungkot isipin ngunit isa lamang ang mga kaibigan ni denggoy sa mga taong nakapaligid sa'tin na muli tayong kakainin ng buo para lamang makalamang. At sa paraang di makatarungan, paraan ng pakikipagkaibigan.

Friday, July 01, 2005

first time

when and what was the last time you did something for the first time?